Ang NoCough ay isang herbal transdermal patch (dinidikit sa balat) na nagbibigay ng ginhawa mula sa mga sintomas:
Sino ang pwedeng gumamit ng NoCough?
Maaaring gumamit ng NoCough ang 3 months old sanggol pataas hanggang matatanda. Bawal sa buntis, nagpapadede at mga sanggol 3 buwan pababa.
Puwede bang gamitin ang NoCough kahit may sakit ang gagamit?
Kahit may ibang karamdaman o sakit, pwedeng gumamit ng NoCough.
G6PD positive – walang menthol o mint na ingredient ang NoCough kaya safe ito sa mga bata na may G6PD.
Okay lang ba na gamitin ang NoCough kung may iniinom na gamot?
Pwedeng-pwede. Huwag na huwag niyong itigil ang gamot na nireseta ng inyong doctor lalo na ang antibiotic. Tandaan na ang NoCough ay hindi pamalit sa gamot na nireseta ng doctor.
Ilang araw bago umpeketo ang NoCough?
Iba-iba ang katawan ng tao. Kung ang iba ay 1-2 araw ay okay na, yung iba 2-3 araw, nirerekomenda namin ang 3 hanggang 5 araw na dire-diretsong gamit.
Ano ang gagawin bago gamitin?
Saan dapat idkit ang patch?
Maaring sa dibdib o likod. Sa parte na hindi pawisin. Para sa kati ng lalamunan, idikit bandang leeg.
Ilang patch ang ididikit at gaano katagal nakadikit?
Anong oras dapat idikit ang NoCough?
Kapag bata ang gagamit, nirerekomenda na sa gabi sya dikitan kapag patulog na para hindi na nagkikilos ang bata at hindi na mapawisan. Pero kung inuubo o sinisipon pa rin sa umaga, dikitan na lang ng panibago. Sa mga matatanda, kahit anong oras pupwedeng gamiting ang NoCough.
Bakit namula ang balat ng anak ko sa loob ng patch?
Kapag napagpawisan ang bata at dahil kulob ang balat sa loob ng patch, tulad ng diaper rash, kapag nabasa, maaring mamula ang balat sa baba ng patch. Kapag nangyari ito, alisin lang ang patch at kapag hindi pa tapos ang oras ng paggamit, idikit itong muli sa ibang parte ng katawan na hindi pawisin. Hayaang mahanginan ang namulang parte; matutuyo din at mawawala iyon.
Maaring gupitin at bawasan ang puting bahagi ng patch para mabawasan ang may adhesive (glue) na parte at para hindi kalakihan ang balat na madidikitan ng patch. Magtira ng kaunting puti at huwag sagarin ang gupit hanggang sa itim na bilog dahil walang adhesive (glue) ang itim ng bilog kaya baka matanggal lang ang dikit ng patch.
Bakit natanggal agad ng dikit ng patch?
Pwedeng matanggal ang dikit kapag napagpawisan lalo na kapag sanggol o maliit na bata ang gagamit, i-check paminsan-minsan para makasiguro na nakadikit ang patch. Kapag ayaw na dumikit ng patch, patungan ng band aid o ng medical tape.
Bakit masyadong madikit ang patch?
May mga pagkakataong masyadong madikit ang patch. Ang isang sanhi nito ay ang natuyuan ng pawis o lumagpas sa oras ng gamit. Ang pinakadamaling paraan para tanggalin ito ay ang basain lang ng tubig at ibabad. Ang ginagawa ng iba ay sinasabay na sa pagligo para lumambot ang adhesive (glue) para madaling tanggalin pagtapos. Dahan-dahan mula sa saign dulo, alisin ang patch at huwag biglain dahil baka masaktan lalo na kapag mabalbon ang gumamit tulad ng mga sanggol.
Ano ang magiging epekto ng NoCough patch kada sintomas at ano ang dapat gawin?
PAALALA: Para makatulong rin sa paggaling ng gagamit ng NoCough, sundin ang mga sumusunod:
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.